^_~
hindi maipinta ang aking nadarama
hindi maalis ang tamis ng mga tinginan
mag-aalas dose na pala, ayoko pang kumawala
sa higpit ng mga yakap mo, giliw ko
kung panaginip lamang ito, ayoko na sanang magising
tila isang paraiso tuwing ika’y kapiling
sa uulitin muli
makapiling ka sa bawa’t sandali
hindi maitatanggi
langit sa ‘yong mga mata at mga labi
sana noon pa naransan
hinding-hindi ipagpapalit kailan man
sa uulitin
naubusan na ng mga salita
nag-uusap na lang ang mga mata, nakakamangha
nagti-trip hanggang umaga
saan man mapunta, kuntento na
basta’t kasama ka, basta’t kasama ka