lXl

saan mapupulot ang pag-asa
may katuwiran ba ang sana
ngiti ko ang iyong galak
langit ko ang iyong
kandungan

 
permiso sa isang araw na
makasama ka
abiso ng pusong bulag na
humahanga

 
tama bang aminin na nating
may taning

itong pag-ibig natin

dakila man

walang kasaysayang kakapit

sa bulag na pag-ibig

 
saan hihingi ng patawad
kung walang dahilan

tangis ko ang ‘yong luha
nais ko ang iyong kalayaan

 

 

 

Leave a Reply