*ginaw*

mamaalam

tala kong may ngiti

saglit lamang

may huling habilin

sa gitna ng ‘yong paglalakbay

sa dako mong ihihimlay

dalhin ang payapa’t

pangakong wagas.

paalam.

may lunas pa raw

nananamlay kong diwa

syang may gamay

ng malay kong tila hiram

itong minamata

daang tinitimbang

dala, tangi kong

alay

mamaalam

sa mundong kay lupit

sadya kayang

nilihis sa pait

sa gitna ng ‘yong paghihimlay

manglako kang maghihintay

dalhin sa paglitis

taglay na tamis

paalam.

One Response to “*ginaw*”

  1. 'sarahstars' Says:

    ……..:’(……….

Leave a Reply