oO

di mo lang alam, naiisip kita
baka sakali lang, maisip mo ako
di mo lang alam, hanggang sa gabi
inaasam makita kang muli

nagtapos ang lahat sa di inaasahang panahon
at ngayon ako’y iyong iniwang
luhaan, sugatan, di-mapakinabangan
sana nagtanong ka lang kung di mo lang alam
sana’y nagtanong ka lang
kung di mo lang alam
ako’y iyong nasaktan
baka sakali lang maisip mo namang

hindi mo lang alam kay tagal nang panahon
ako’y nandirito pa rin hanggang ngayon, para sa’yo
lumipas mga araw na ubod ng saya
di pa rin nagbabago ang aking pagsinta
kung ako’y nagkasala, patawad na sana
ang puso kong pagal ngayon lang nagmahal

di mo lang alam akoy iyong nasaktan
baka sakali lang maisip mo namang
puro siya na lang, sanay ako naman
di mo lang alam, ika’y minamasdan
sana’y iyong mamalayang hindi mo lang pala alam

di mo lang alam, kahit tayo’y magkaibigan lang
bumabalik lahat sa tuwing nagkukulitan
baka sakali lang maisip mo namang
ako’y nandito lang, hindi mo lang alam
matalino ka naman

kung ikaw at ako ay tunay na bigo
sa laro na ito ay dapat bang sumuko
sana’y di ka na lang pala aking nakilala
kung alam ko lang ako’y yong masasaktan ng ganito
sana’y nakinig na lang ako sa nanay ko

di mo lang alam ako’y iyong nasaktan
baka sakali lang maisip mo namang
puro siya na lang, sana’y ako naman
di mo lang alam, ikay minamasdan
sanay iyong mamalayang hindi mo lang pala alam

malas mo . . .
ikaw ang natipuhan ko

di mo lang alam, akoy yong nasaktan

Leave a Reply